Skip to main content

tres muheres..

tatlong buwan!

oo tatlong buwan na kami ngayon.. tatlong buwan na kung tutuusin di ko na maalala ang kahapon, kung saan at paano nagsimula, tatlong buwan na puno ng masasayang pangyayari, mga pangyayari na habang tumatagal ay mas lalong nagiging exciting. exciting kasi? lagi kami nagaaway haha, di naman siguro mawawala yun sa isang relasyon.. batuhan ng masasakit na salita, malulutong pa sa chicharon na mura, pero ang cool dun? e laging may isang nagpaparaya sa gitna ng away, may isang laging umumunawa, minsan sya.. pero kadalasan ako,haha! pero joke lang yun! ako ang laging mainit ang ulo at laging nagagalit, siguro di pa ko sanay sa buhay may asawa.. chos! :)

ang totoo nyan.. minsan napapaisip ako, na parang ang tagal tagal na namin, kung tutuusin at kung susuriin e wala pa sa kalingkingan ang tagal ng relasyon namin.. 3 BUWAN??? pero sa pakiramdam ko ay 3 taon na.. at sa 3 buwan na yun, maraming nabago sakin.. oo literal na pagbabago.. simula sa pag aayos at pananamit, medyo pumogi din ako ngayon at nag amoy mayaman.. hahaha.. natuto uli magluto, at mag search sa net para sa mga bagong putahe. natutong maglinis ng bahay, natutong wag matulog (ayokong may masayang na oras pag kasama sya) BOOM!

Pero isa sa mga natutunan ko e ang tiwala, at pagpapasensya.. yung tiwala medyo malapit ko ng matutunan ang statistics para maperfect ko yan.. pero yung pasensya medyo perfect ko na.. at ngayong 3 buwan na ang aming pagiibigan.. feeling ko forever na to! chos! hahaha.. alam ko marami pa kaming pag dadaanan.. mas maraming plato at baso na babasagin, mas maraming pasa at sugat na dulot ng harutan haha.. ito ay simula pa lamang..

3 buwan na lubos na kaligayahan, hudyat ng magandang simula para samin. 3 buwan na habang tumatagal lalong lumalalim ang aking nararamdaman. inlove talaga kooooh!!..

at kung tatanungin nya ko bakit ko sya mahal??eto sasagot ko..

bakit kailngang uminom ng tubig ng tao? dahil eto ang nagbabalanse ng circulation ng katawan natin, at sa tatlong araw na walang tubig, maaari nating ikamatay.. parang ang pag ibig ko sayo, di ko man alam ang dahilan kung bat kita mahal, pero ngayon ikaw ang nagbabalanse ng buhay ko, di ko man masabi na mamamtay ako pag nawala ka, pero nabubuhay naman ako dahil sayo ngayon...


HAPPY TRES SATIN..


-palaka

Comments

  1. Huwaw... tume-tres! say emo no more?!?

    ReplyDelete
  2. Haha natawa ako sa comment ni senyor , november 19 din kami

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

01012013

bye 2012 hello 2013 ano kaya ang naghihintay sakin sa taon to?? makakabili na ba ko ng house and lot? magkaka audi naba ko? makakapunta naba ko sa ibang bansa? papayat na ba ko? magkakaron naba ko ng technomarine? matututo naba kong lumangoy? sisipagin naba ko maghugas ng plato at maglaba? makakapunta naba ko ng bora? o palawan? o vigan? makikita ko naba si tunay na pagibig? ang daming tanong diba?puro mga ka echosan lang naman.. pero ano nga ba ang naghihintay sakin ngayong taon nato? well masasabi kong handa ako sa kahit ano.(taray). at alam ko sweswertehin ako ngayong taon na to!bakit?? kasi ngayon.. mas pipilitin ko maging masipag, at habaan ang pasensya sa mga bagay na gusto ko.. lahat ng plano lang, ay pipilitin kong isakatuparan..(seryoso mode) new years resolution? wala! ayoko nun! naniniwala ako na bawat araw ay pwede tayong magbago at may baguhin..(chos!) kagabi lang e nagpaalam na ko kay 2012, marami marami din kaming pinagdaanan..mga tao na pumas...

mix emotions.

 pao kun  para sa kaibigan ko sa kalawakan.. isang doodle ang para sayo.. PAOKUN  doodle with love din.. salamat din sa award na bigay nya, at ni ate pink line.. salamat The Rules: 1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog. 2. Post seven random things about you 3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award. tadan! 1. Thank you  paokun and pinkline sa award na to.. hehehe 2. Seven Random Things About Me tamad ako magtext. - kahit nakaplan ako..minsan kahit nasa harap ko na ang cp ko, di pa rin ako nagrereply, pero pag sa chat nagrereply ako pag online ako. mas madali kasi..for me.haha takot ako sa gagamba at ipis na lumilipad -kahit sino naman ata.. di ako mahilig uminom ng tubig.. - mas prefer ko uminom ng juice or tea and coffee!! kulang ang tulog ko pag di 10hrs or more. -sleep is a must sakin.. tamad ako maghugas ng plato at maglaba -di ako pin...