Skip to main content

bakit di ako kras ng kras ko?!

bat nga ba di ako crush ng crush ko??

kasi may crush syang iba,at may mahal na sya.ayoko naman makisawsaw pa..pero gusto ko lang malaman mo na crush kita (high skul lang), pero alam kong di mo malalaman kasi di ka naman nagbblog at di mo nga alam kung ano ang blog diba? ni ayaw mo ngang magbasa ng kahit ano, pansinin mo pa kaya tong sulat ko???

pero alam mo masaya ko, kasi kahit papano nalilibang ako kausap ka, lumilipas ang araw na di ako nalulungkot kasi paminsan minsan kinakamusta mo ko malaking bagay na sakin yun..alam kong kaibigan lang tingin mo sakin, e ako din naman kaibigan lang din tingin ko sayo para fair tayo.. hahaha..

basta, napapost tuloy ako para sabihin na wag ka masyado ngingiti.. kasi natutunaw ako, biglang mapapahinto at ngingiti din bigla..salamat sa mga message mo sa BBM, kahit simpleng "PING" lang alam ko naalala mo ko, infairness kinikilig ako sa ping na yun,. hahaha

pero super kikiligin ako kapag balang araw aaminin mo na crush mo din ako..na alam ko naman na sa dreams ko lang maachieve yun.kaya matutulog nalang ako sa ngayon..

kainis..bat kasi di ako crush ng crush ko!(lakas maka kim chui)..hahaha


-unang post ko ulit.. at panigurado eto na ang simula, saka ko na ikekwento dubai experience ko..kapag kaya ko na uling magsulat ng may kwenta, hahaha.. IM BACK!




Comments

  1. wow welcome back cheeneeeee!
    at may rebelasyon! sa pagbabalik ahh
    crush crush, tagal ko na di nag kakacrush
    haha

    ReplyDelete
  2. welcome back! :D
    Abangers ka pala ngaun ah... hahaha

    ReplyDelete
  3. Ramdam ko ang pait dito: alam kong kaibigan lang tingin mo sakin, e ako din naman kaibigan lang din tingin ko sayo para fair tayo...

    Bwahaha... Move on 'pag hindi kras ni kras...

    ReplyDelete
  4. Welcome Back! At paramdam ka, parang wala ka dito sa UAE ah hahaha

    ReplyDelete
  5. hanap ng ibang kras.. hehehe

    ReplyDelete
  6. welcome back pakner. wala ba kong hugs and kisses dyan? hahaha

    ReplyDelete
  7. Welcome back Cheenee!!!

    *hugs*

    Abangan ko yang Dubai experience mo on your next post!

    Crush, crush din pag may time... candy crush? LOL

    ReplyDelete
  8. Na-puchu-puchu ka kapatid :D lols. Miss you so mats! Mahagilap nga yang kras mo ng mabasa nya to at malaman nya na. Bwahaha

    ReplyDelete
  9. bakit nga ba di ako crush ng crush ko? hehehe. i have a smilar post

    ReplyDelete

Post a Comment

dahil binasa mo..makikokak ka..:)

Popular posts from this blog

paalam idol!

sa isang pitik ng segundo nawala ka kinuha at di ko alam san pupunta pero kung asan ka man ngayon sana payapa kana.. masakit,oo sobra pero wala kong magawa, oras mo na talaga maglupasay man ako alam ko walang magagawa.. isang panalangin ang alay ko, panalangin na sana maging masaya kana kung nasan ka man,payapa at walang inaalala. pa.. masaya kong naging ama kita,kulang ang mga salita para sabihin na mahal na mahal kita..hanggang sa muling pagkikita idol!

nakuha ko din si KRAS!-update ng pasko

 NAME: KRAS    sa wakas.. nakabili din ako ng gift for myself. ang tagal kong inisip kung ano ireregalo ko sa sarili ko, medyo choosy kasi ang sarili ko.. lagi nyang sinasagot sakin e ''kahit ano''.. (adik lang) so ayun na nga.. una kong nasulyapan si crush kong shoes sa megamall.. nun palang sinabi ko sa sarili ko na bibilin ko sya sa darating sa pasko.. pero nung bibilin ko na.. leche!! wala ng size 7 or 8 man lang. (ang laki ng paa ko no?? hahaha.. then.. nanlumo ako.. pero sabi ko sa srili ko di ako titgil hanggat di ko sya nakukuha.. madami dami naring nike store ang napuntahan ko at mga sports outlet nagbabakasakali na makita ko si crush na shoes..pero wala. as in nga nga! pero sabi nga nila pag gusto may paraan.. e sobrang crush ko sya. kaya di ako tumigil.. hinanap ko sya talaga at sa wakas sa ROCKWELL.. hindi sa nike store pero sa isang sports outlet.. ako : kuya..may size 7 or 8 po kayo nito?? kuya: ah check lang po namin mam.. (at umalis ...

open the happiness!! (babala bading na post)

ok naman akong maging single ngayong pasko..sabi nga ng iba pasko ang icecelebrate hindi valentines day, so saka na humanap ng lovelife.. pero sa di inaasahang pagkakataon, minsan pasweet din si God magbigay ng surprise.. ang akala ko ay masaya na kong walang lovelife.. e mas lalo palang masayang meron.. pano ba to naganap?? mahaba kasing kwento.. dun nalang tayo sa pinakamaikli, or short cut! so eto yun.. 10 ang call time para sa inaplyan ko, sakto 10am dumating ako dun. wala talaga akong balak na siputin e ang kaso nakaayos na ang susuotin ko, at hapon pa naman ang pasok ko, kaya pinatos ko na.. para di rin puro tulog ang gawin ko.. sakto! saktong muntik na kong malate at masaraduhan ng pinto. ang strict kasi pag dating sa time nung agency na yun, ako huling huli, at iisang upuan nalang ang nandun,para sakin talaga!!shocks nakakhiya kasi lahat sila nakatingin sakin.. sila.. sila na mga aplikante na maagang dumating dun.. umupo ako..at biglang lumabas na ang employer.. pa...